SA hangad na maipagpatuloy ang kanilang programa sa kabila ng pinagdaanang matinding problema, ipinalit ng University of Santo Tomas sa dati nilang coach na si Aldin Ayo ang isa sa mga naging assistant coaches nito na si Jinino Manansala bilang bagong head coach ng Growling Tigers.

Isa ring dating Growling Tiger na naglaro sa namayapang coach Aric Del Rosario , inaasahan ng UST na ipagpapatuloy ni Manansala ang programang binuo ni Ayo sa nakalipas na tatlong taon.

“Grateful for the appointment. UST still trusts the Mayhem program,” pahayag ni Manansala.

Nauna ng nagbitiw sa kanyang puwesto si Manansala kasabay nina Ayo at McJour Luib dahil sa eskandalong dulot ng kinasangkutan nilang Sorsogon training.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Kasamang ibinalik ni Manansala si Luib na syang itinalagang headcoach ng UST Tiger Cubs habang inindorso rin nila ang apela ni Ayo sa naging hatol dito ng UAAP. Sa pagkawala ng mga key players na sina CJ Cansino, Rhenz Abando, Mark Nonoy, Deo Cuajao, Brent Paraiso, Ira Bataller at Bismarck Lina, batid ni Manansala na mahihirapan silang magsimula.

“It will take team effort to rise from the ashes. Siyempre, we lost a lot of key players,” anang awtor ng St. Clare Cillege dynasty sa NAASCU.

“Very challenging for the team, but we have faith in the remaining players. We are thankful for the faith the community has for us,” wika pa ni Manansala.

Marivic Awitan