Next month nakatakdang isilang ni Maya ang pangatlong anak nila ni Geoff Eigenmann via Caesarean delivery. Hindi natupad ang wish ng aktor na magkaroon ng twins pero masaya pa rin siya. Gayundin, postponed ang plano nilang magpakasal dahil hindi makakadalo ang ilang miyembro ng pamilya.
Sinisikap ni Geoff ang maging good example sa mga bata whose nicknames are named after food. Hands-on sila ni Maya lalo na sa uri ng pamumuhay at pagpapalaki ng mga bata.
“We are not over strict but there are rules they have to follow. We let them decide at patuloy namin silang ginagabayan. We teach them the values in life na itinuro ng mga magulang namin,” ani Geoff.
Happy si Geoff na babae ang naging panganay niya pero mas madali daw alagaan ang lalaki kahit sobrang likot. Sobrang aga pabpara malaman kung sino sa kidd nila ang papasok sa showbiz at kung meron man ay hindi ito pipigilan ni Geoff. It runs in the family. ..ika nga at, the more the merrier.
-REMY UMEREZ