RESULTA na lamang ng drug test ang kailangang isumite ni Calvin Abueva sa Games and Amusements Board (GAB) para maibalik ng ahensiya ang lisensiya na binawi sa kontrobersyal Phoenix Fuel Masters guard.

Iginiit ni Phoenix team manager Paolo Bugia na sumailalim na sa drug test’ si Abueva sa Quest Hotel kung saan pansamantalang nanunuluyan si Abeuva kasama ang buong Fuel Masters para sa nakatakdang ‘PBA bubble’ sa Clark.

“Abueva has already undergone drug testing at the Quest Hotel, the result of which has been forwarded, too, to the GAB office,” pahayag ni Bugia.

Sa kabila ng kakulangan ng isa sa tatlong seminar na kailangan daluhan ni Abueva sa pamamagitan ng online zoom meeting, kumpiyansa si Bugia na mapagbibigyan ng GAB ang kahilingan ni Abueva na makabalik sa paglalaro.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“May basbas namin namin yung postponement ng huling seminar ni Calvin (Abueva). Medyo may conflict sa schedule dahil nga sa bubble na ang PBA. Wala pang bagong schedule, pero inaayos na namin,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

Sinabi ni Mitra na kumbinsido sila sa dedikasyon at katapatan ni Abueva na makabalik laro at magbago ng gawi para mapangalagaan ang imahe at pagiging ehemplo sa kabataan.

“Aktibo siya at dedicated. Ginagawa niya ang lahat ng homecourt at nakikiisa sa mga activities during the past two seminars na dinaluhan niya with GAB officials,” sambit ni Mitra.

Handa na ang 32-anyos na si Abueva na tapusin ang ikatlo at huling seminar, subalit nagkaroon ng conflict sa schedules.

“Bale, sumusunod lang kami sa schedule and availability ng GAB,” ayon kay Bugia.

Matapos ang pakikipagpulong kay GAB Commissioner Ed Trinidad may isang linggo na ang nakalilipas, nagdesisyon ang GAB Board na kinabibilangan nina Chairman Mitra at Commissioner Mar Masanguid na ibalik ang lisensiya ni Abueva sa kondisyon na matapaos niya ang seminar ng ahensiya at makapasa sa drug test.

Sa kasalukuyan, suspindido pa rin si Abueva sa PBA.

-Marivic Awitan