Puring-puri si Kapuso actor Paolo Contis ng mga kasama niya sa set ng I Can See You: The Promise. Si Yasmien Kurdi na gumaganap na wife niya sa story ay nagsabing magaan siyang katrabaho.
“Pinala-lighten niya ‘yung mood ng lahat ng tao sa set, including the production staff, lalo na kung medyo tense ang eksena,” share ni Yasmien.
“Laging may baon sa set si Paolo,” sabi naman ni Andrea Torres. “Ang dala niyang pagkain, para sa lahat.”
“Bilang kuya ng lahat, iyon ang ginagawa ko,” sagot naman ni Paolo. “Kasi naranasan ko ‘yun dati, na yung mga kuya ko sa set, most of the time, they take it upon themselves to lead the set kaya masaya lahat. Ngayon na ako na iyong kuya nila, ganoon din, may food ako and Icheck in on everyone kapag pwede.”
Magtatapos na ngayong Biyernes ng gabi ang ICSY: The Promise. Ang tanong ng netizens, paano malalaman ni Paolo na niloloko lamang siya nina Andrea at Benjamin (Alves), at hindi totoong nagbalik ang kaluluwa ni Yasmien at sumanib kay Andrea?
Sa direksyon ni Zig Dulay, mapapanood ito at 9:15PM sa GMATelebabad after ng Encantadia.
-NORA V. CALDERON