ITINALAGA bilang bagong head coach ng Centro Escolar University Scorpions sa Universities and Colleges Basketball League (UCBL) si dating National University Bullpups coach Chico Manabat.
Pinalitan ng 41- anyos na si Manabat na magsisilbing head coach sa unang pagkakataon sa seniors level ang kanyang longtime coaching partner na si Jeff Napa.
Nakatulong si Manabat ni Napa sa National Un i v e r s i t y kung saan nagwagi sila ng tatlong UAAP juniors championships.
Sumama din siya kay Napa ng lumipat ito ng Letran hanggang sa CEU kung saan siya naging lead assistant.
Nagsilbi din siyang head coach ng Bullpups noong UAAP Season 79 (2016).
Malaking hamon ang posisyon para kay Manabat na asawa ng dating NU Lady Bullpups ace spiker Dindin Santiago dahil kasalukuyang nasa rebuilding process ang CEU basketball program.
“Yung opportunity na binigay sa akin ni coach Jeff, Boss JJ (Yap), at Boss Jepet (Plaza), yun ang nagiging motivation ko ngayon. Yung pressure nandyan na yan. Na-train na rin naman ako ni Jeff. Sabi nga niya, hiwalay na si Batman and Robin. Kailangan ng magsarili ni Robin,” pahayag ni Manabat sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports on Air via Zoom nitong Huwebes.
Makakasama ni Manabat sa CEU coaching staff sina John Necesito, Max Encilla at Roy Billanes.
“Yung naabutan namin na team, bata talaga. Nakakuha rin naman kami ng player na nahawakan ko na dati like dating Bullpups at Team B namin sa NU na gusto ng break. Wala rin kaming foreign student-athlete din ngayon pero we are working on it,” aniya sa program ana itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB) at PAGCOR.
-Marivic Awitan