Inireklamo kahapon sa Office of the Ombudsman ang hepe ng Cainta Municipal Hospital (CMH) matapos umano nitong tanggihan ang apela ng isang nurse na isailalim ito sa swab testing matapos na magkaroon ng mga sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kamakailan.
Personal na nagtungo sa Ombudsman si Mary Joie Cruz, anak ng namatay na frontliner na si Ma. Theresa Cruz na nurse sa CMH, na sinamahan ng mga abogadong mula sa Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS), Inc., upang ihain ang kasong Gross Neglect of Duty and Conduct Unbecoming of a Public Officer laban kay Dr. Antonio Jayson Sierra.
Hiniling din nito sa anti-graft agency na tanggalin o sibakin sa serbisyo.
Sa pahayag ni Joei, dismayado ito nang matuklasang tatlong beses na tinanggihan ni Sierra ang hiling ng ina na magpa-swat test kasunod na rin ng pagkalantad nito sa isang pasyenteng positibo sa nasabing virus.
Ayon sa kanya, nilalagnat na at nawalan na rin ng panlasa ang ina nito, gayunman, hindi pa rin ito pinagmalasakitan ni Sierra.
-Czarina Nicole Ong Ki