Bibida si Camila Cabello sa isang bagong live-action Cinderella film.

Inihayag ng studio ng pelikula na ang adaptation ay “musically-driven” at magtatampok ng mga orihinal na kanta ni Cabello.

Bukod sa mang-aawit ng Señorita, ang iba pang mga kilalang kasali sa pelikula ay si Idina Menzel bilang kanya ng evil stepmother, si Billy Porter bilang kanyang fairy godparent, at si Nicholas Galitzine bilang si Prince Robert.

Makakasama rin sina Pierce Brosnan bilang King Rowan, Minnie Driver bilang Queen Beatrice, John Mulaney (Footman/mouse), James Corden (Footman/mouse), at Missy Elliot (Town Crier).

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya

Ang pelikula ay written and directed by Kay Cannon, na kilala bilang ang producer ng Pitch Perfect film series.

Ipapalabas ito sa Feb. 5, next year.

-Gabriela Baron