All of a sudden ay boom ngayon ang paghahalaman. Ilan sa celebrities na proud plantitas sina Angelica Panganiban, Benjamin Alves at Aubrey Miles.
Naalala namin bigla ang Green Revolution, project ni former First Lady Imelda Marcos. Ang banner cry ngayon ng gobyerno ay plant, plant, plant. Nahihilig ang marami sa gardening as a hobby. Sa kaso ng former sexy star na si Aubrey na mayroong green thumb ay isa itong investment . Ten years ago nang magsimula ang hilig niya sa mga halaman at willing siyang gumastos nang malaki specially for a rare species. Ang halamang Spiritus Sancti ay nagkakahalaga ng malaki at most-talked about sa plant community around the world. Umaabot sa 100 species ang plant collection ni Aubrey at dahil she has to propagate them ay kailangan na ng bigger greenhouse.
Higit pa sa libangan and more of a devotion kay Aubrey ang pagiging plantita. “Para kang nag-aalaga ng hayop. Mahalin mo sila and they will love you back,” aniya.
-REMY UMEREZ