Apat na senior citizen ang binawian ng buhay nang masagaan ng isang truck ang isang tindahan sa Jimalalud, Negros Oriental, kamakailan.

Sa report ni Staff Sergeant Joey Patoc, ng Jimalalud Municipal Police Station, nakilala ang apat na sina Milagros Garsula, 82; Herminigilda Gantalo, 76; Lydia Garsula, 72, at Remedios Fabillar, 65.

Sa imbestigasyon, nagkakape lamang ang apat sa isang tindahan nang maganap ang aksidente.

Sa ulat, pauwi na si Robert Lim, 62, sa Barangay Hilagang Poblacion mula sa Dumaguete City at minamaneho ang pick-p truck nang bigla umano itong mawalan ng kontrol hanggang sa sumalpok ang truck sa tindahan kung saan nagkakape ang apat.

Padilla, kinuwestiyon kredibilidad ng ICC prosecutors: 'Nag-aaral ba kayo ng batas?'

Nakatakdang sampahan ng reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property si Lim.

-Fer Taboy