Nakasalalay sa kamay ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagpasa ng 2021 national budget para maiwasan na rin ang reenacted budget na inayawan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang reaksyon ni Senator Panfilo Lacson na nagsabing maaaring ipagpatukoy o i-resume ni Cayetano ang sesyon dahil sinuspindi lamang niya ito matapos na magkaroon ng kaguluhan sa paghawak ng pamunuan ng Kongreso sa pagitan nito at ni Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.

Kamakailan, sinuspindi ni Cayetano ang sesyon dahil na rin sa agawan ng liderato matapos na balewalain niya ang napagkasunduan na term sharing nila ni Velasco.

Aniya, isang linggo ang kailangan ng senado para pag-aralan ang bersyon ng kamara bago ito isumite sa Finance committee at isang linggo ulit ang kailangan para pag-isahin ang iba’t-ibang bersyon bago pa lang magkaroon ng deliberasyon pagbalik ng sesyon sa Nobyembre 16.

Padilla, kinuwestiyon kredibilidad ng ICC prosecutors: 'Nag-aaral ba kayo ng batas?'

Nauna nang sinabi ni Lacson na imposibleng maipasa ang budget dahil sa pagsuspinde ng sesyon, gayunman maaari pa naman itong buksan ni Cayetano.

-Leonel Abasola