Nanawagan ang isang pangkat ng mga guro sa Department of Education (DepEd) na bigyan sila ng Internet load allowance upang mabawi ang kanilang mga gastos para sa online classes.
Sinabi ni Raymond Basilio, secretary-general ng Alliance of Concerned Teacher (ACT), na ang mga guro going the extra mile upang matuloy ang kanilang mga klase sa online sa kabila ng kawalan ng suporta mula sa DepEd.
“Kaya nga sinusulong natin na magkaroon ng Internet allowance ang ating mga teachers para ma-offset itong gastusin ng kanilang naidadagdag sa kanilang pang araw araw na gastusin,” sinabi ni Basilio sa DZMM Teleradyo.
Ayon kay Basilio, nabanggit ng DepEd na maaaring magamit ng mga paaralan ang kanilang communications allocation para sa internet allowance ng kanilang mga guro.
-Noreen Jazul