HONG KONG (AFP) — Isang labis na pambihirang 102-carat flawless white diamond ang ipinagbili ng $15.7 milyon sa isang online auction sa Hong Kong nitong Lunes ng gabi.

diamond

Inilarawan bilang “completely flawless” ng auctioneer na Sotheby’s, ang 102.39-carat na baton ay napunta sa isang hindi pinangalanan telephone bidder sa halagang HK $122 milyon sa auction na ginanap online dahil sa coronavirus pandemic.

“The buyer of this diamond has bagged a bargain,” sinabi ni Tobias Kormind, managing director ng online jeweller na 77 Diamonds.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Sa panahon ng kawalan ng katiyakan sa ekonomiya, sinabi niya na, “savvy investors are currently falling over themselves to acquire alternative safe haven assets like diamonds, property and gold”.