Ang mga pagsulong sa teknolohiya at kooperasyong internasyonal ay pinabilis ang scientific na pag-unawa tungkol sa COVID-19 ngunit kakailanganin ang political will upang mawakasan ang mga outbreak ng virus, sinabi ng bagong Nobel laureates in medicine nitong Lunes.

Medicine Nobel  laureates

Medicine Nobel laureates

Ang mga Amerikanong sina Charles Rice ng The Rockefeller University at Harvey Alter ng National Institutes of Health ay pinarangalan kasama ang Briton na sinMichael Houghton para sa pagtuklas ng Hepatitis C virus.

Sa magkakahiwalay na press conference, nabanggit ng mga laureate kung gaano katagal bago nila nakamit ang kanilang mga resulta.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“It is a long story, kind of a 50 years saga,” sinabi ng 85-anyos na si Alter na sinimulan ang pagsasaliksik noong 1960s.

Ngunit idinagdag nila kung paano nangangahulugang mas mabilis ang mga resulta sa teknolohiya ngayon.

“There is a big difference between the 1970s and ‘80s and now. The technology is so advanced it’s astounding,” dagdag niya.

Sinabi ni Rice, 68, na inabot sila ng “months and months of toil to sequence a single viral genome.”

“Now people can do that in a matter of hours. And the rate at which people have been able to make progress on understanding... COVID-19 is just spectacular,” dagdag niya.

Para kay Houghton ang mga technological advancements na ito, lalo na sa pagbuo ng mga bakuna, ay ang “silver behind the lining of the Covid cloud.”

Sinabi ni Rice na ang kooperasyong pang-agham sa buong mundo bilang tugon sa coronavirus pandemya ay “reassuring” para sa mga paglaban sa mga susunod na virus.

Idinagdag niya na binago nito ang “the way that science is done to really make it more of a community effort rather than something that years ago might have been pursued by a few labs in isolation.”

Sinabi ni Alter na ang pagmamadali upang maghanap ng mga lunas ay hindi dapat makaapekto sa wastong pagsasaliksik.

“You need to have long-range planning, long-range thinking, and the freedom to pursue things that don’t have an immediate effect. And nowadays if you don’t have an endpoint it’s hard to get funding,” idinagdag niya.

Sinabi ni Alter na ang agham ng Hepatitis C, na pumapatay ng halos 400,000 katao bawat taon, ay ganito na ngayon dahil sa mas mahusay na pagsusuri at hindi kinakailangan ang gamot.

“What we need is the political will to eradicate it,” dagdag niya.

Sinabi ni Alter na kailangan din itong gawin para sa COVID-19.

“The kind of things that needs to be done mainly is to test and treat. If we had a great rapid test for COVID and a great treatment for COVID, it would be the same, the same principle,” aniya.

Idinagdag ni Houghton na kinakailangan ding igalang ang pangunahing mga alituntunin sa kalusugan.

“It is disconcerting when you see not everyone doing what you know as a virologist makes sense, which is to socially distancing and wear a mask and so forth,” aniya.

AFP