Nananatiling mataas ang bilang ng mga Pilipinong na walang trabaho, kasama ang dalawa sa lima na nagsasabing nawalan sila ng trabaho sa panahon ng ng pandemyang coronavirus disease (COVID-19), ipinahayag sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ang survey, isinagawa noong Setyembre 17-20, 2020, sa 1,249 narespondents ay nagpakita na nananatiling mataas sa 39. 5 porsyento na bumaba ng anim na puntos mula sa record na mataas na 45.5 porsyento noong Hulyo, 2020.

Ito ay mula sa tinatayang 27.3 milyon noong Hulyo, 2020, hanggang 23.7 milyon noong Setyembre, 2020.

Ang pagbaba na ito ay sanhi ng pagbaba ng 12 puntos sa Balance Luzon, anim na puntos sa Mindanao, at apat na puntos sa Metro Manila, na isinama sa pagtaas ng 5 puntos sa Visayas.

Probinsya

Motorista, nagbabala: Lalaki, puwersahang nambubukas ng pinto ng kotse sa Bacoor Boulevard!

Ang adult joblessness ay bumaba sa Balance Luzon, mula 45.2 porsyento noong Hulyo, 2020, hanggang 33.5 porsyento noong Setyembre, 2020. Bahagyang bumagsak ito sa Mindanao, mula 46.5 porsyento noong Hulyo, 2020, hanggang 40.0 porsyento noong Setyembre, 2020. Bahagya ring bumaba sa Metro Manila, mula 43.5 porsyento noong Hulyo, 2020, hanggang 39.9 porsyento noong Setyembre, 2020.

Gayunpaman, tumaas ito sa Visayas, mula sa naunang tala ng 46.6 porsyento noong Hulyo, 2020, sa isang bagong record na mataas na 52.0 porsyento noong Setyembre, 2020.

Sinabi ng WS na 14 porsyentong nasa hustong gulang na mga Pilipino ang nawalan ng trabaho / kabuhayan sa panahon ng COVID-19 crisis.

Samantala, ang proporsyon ng mga pamilyang nakakaranas ng kagutuman ay umabot sa isang bagong record na mataas na 30.7 porsyento o tinatayang 7.6 milyong mga sambahayan noong Setyembre, 2020, nalagpasan ang dating rekord na 23.8 porsyento noong Marso, 2012.

-Dhel Nazario