VERY intimate at peaceful ang 31st birthday celebration ni Kapuso actress Janine Gutierrez noong October 2, na nagpunta siya at mga kasama sa ilang beaches sa Palawan.
Pinasalamatan ni Janine sa kanyang Instagram post ang maraming birthday greetings from friends and other Kapuso stars na nakaalaala sa kanyang kaarawan. “Best day. Finally, not a throwback, thank you for all the greetings.”
Nagawa nga ni Janine na i-celebrate ang kanyang birthday, kasama ang mga kapatid niya, (mawawala ba ang boyfriend na si Rayver Cruz?), sa kabila ng pandemic na pinagdaraanan natin, dahil puwede nang bumiyahe, after six months ng lockdown. Makikita sa kani-kanilang IG stories ang masayang bonding nilang lahat sa isla!
-NORA V. CALDERON