MAY pandemic man, hindi ito naging hadlang para makatanggap ng sunud-sunod na blessings sa career at personal life ni Kapuso Global Endorser na si Gabbi Garcia.

Blessed talaga si Gabbi dahil bukod sa endorsements na nakukuha ay lalong tumatatag ang kanyang relasyon kay Khalil Ramos. Kaya ba blooming na blooming ang aura ni Gabbi kapag napapanood siya nang live sa All-Out Sundays at sa kanyang mga photos at YouTube vlog?

Kamakailan lang din ay ipinamalas ni Gabbi ang husay sa pagiging isang licenced scuba diver sa naging date nila ni Khalil sa Dive & Trek Resort sa Balayan Bay sa Bauan, Batangas. Tinuruan ni Gabbi si Khalil sa basics ng pagda-dive, kasama ang ilan pa nilang mga kaibigan.

“I’ve been a licensed Scuba Diver since 2010, but every dive still gives me goosebumps. Marine life is so PRECIOUS,” sabi ni Gabbi. “I’m also happy that @khalilramos and my friends had their very first intro dive!”

Tsika at Intriga

Ice Seguerra, natsikang buntis

Patuloy pa ring napapanood si Gabby sa rerun ng Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad at sa Sunday noontime show na All-Out Sundays.

-Nora V. Calderon