PATULOY ang pagdarasal ng Kapamilya star na si Angeline Quinto para sa tumatayo niyang ina inahan na si Sylvia “Mama Bob” Quinto na diumano’y balitang na-stroke. Matatandaang sa mga interview very vocal si Angeline na sobrang nagpapasalamat sa Mama Bob niya sa magandang buhay na ibinigay sa kanya. Kung wala nga raw ang tumatayo niyang ina wala rin ang isang Angeline Quinto.

angeline

Patunay ang pagmamahal ni Angeline sa Mama Bob niya dahil nagpost siya sa kanyang Instagram ng maiksing video habang umaawit ng A Whole New World. Sey niya, “Namimiss ko nang kantahan ka sa umaga Mama Bob. Tuloy tuloy lang ang paglaban at paggaling mo ha. Mahal na mahal kita. Praise God.”Dahil diyan nagpapakatatag si Angeline sa kanyang pinagdadaanan at hindi nawawalan ng pag-asa sa patuloy na paggaling ng kanyang Mama Bob. Bagamat may pandemya at sa nangyari sa kanyang kinikilalang ina tuloy ang hamon ng buhay. Sa katunayan sasabak si Angeline at ang kontrobersyal singer na si Daryl Ong sa game show ng TV5 na Fill in the Bank na magpapasigla sa kanilang mga tinig sa Oktubre 9. Kasama ang mga hosts “Manedyer” na sina Jose Manalo at “Madam Poky” Pokwang. Mapapanood ito tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes ng 7:30 p.m.Kaya sa game na ito for sure madidivert sa kasiyahan si Angeline at malilibang sa kabila ng kanyang pinagdadaanan at blessing na rin dahil tiyak todo naenjoy niya ang buong show. Yun na!

-DANTE A. LAGANA
Tsika at Intriga

'My face card at 9 years old!' Andrea flinex throwback pics noong 'nene' pa