SA opisyal na pagsisimula ng pasukan ngayong Lunes, siniguro ng Department of Education na gagabayan nito ang mga magulang at mag-aaral sa pagsabay sa online blended learning.
“May mga pagsasanay, trainings na ginagawa po ang ating Kagawaran ng Edukasyon para ang mga magulang pati po ang ating mga guro, of course, ay mahasa kung papaano po makakapagturo using technology,” pagbabahagi ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali sa isang panayam sa Laging Handa public briefing nitong Sabado.
Hinikayat din ni Umali ang mga magulang na maging positibo at tingnan ang bagong sistema ng edukasyon bilang pagsubok sa halip na problema.
Aniya, idinesenyo ang mga pagsasanay upang maibahagi ang dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.
Ayon kay Umali, hindi na kailangn pang matutunan at ituro ng mga magulang ang mga paksa o subject sa kanilang mga anak bagamat aminado ang opisyal na mas mabuti kung may kakayahang ganito ang magulang, lalo na para sa mga mag-aaral na nasa unang level pa lamang ng pag-aaral.
Kung wala naman kakayahan ang magulang, maaari naman silang maging epektibong learning facilitator.
“This means that they are being given the right knowledge – what to expect if they access the internet; how children can surf safely the internet; what are the dangers; what are the websites that may pose danger to their children; how to access different resources via the internet. Those are just examples of training we give to teachers and even to parents, and how to properly discipline and motivate children and encourage them to study,” paliwanag ni Umali.
Hindi madali ang bagay na ito, aniya, lalo’t ang sistema ng edukasyon sa bansa ay nakadisenyo para sa face-to-face na klase sa pagitan ng mag-aaral at guro. Ito rin ang unang beses na magpapalit ang sektor ng edukasyon sa naibabang paaran, ang online learning, at ang radio at TV-based instructions.
Idinagdag din ni Umali na ang DepEd “[is doing a] continuous training making sure that we are coming up with a quality, well-vetted self-learning modules, providing our learners, our parents, our teachers access to these resources through our DepEd commons.”
Samantala, aminado naman si Umali na hanggang ngayon ay nananatiling pagsubok ang pamamahagi ng mga self-learning modules dahil hindi pa ito nakukuha ng ilang mga magulang sa paaralan.
“Ngayon hanggang bukas ay talagang kumikilos na po ang inyong Kagawaran kasama po ang ating mga partners sa pamahalaan local buong Pilipinas, kumikilos po iyan na para po masiguro na makarating po itong mga self-learning modules na ito,” aniya.
Handa rin, aniya ang ahensiya na i-deliver ang mga modules sa bahay-bahay.
Pangako naman ni Umali, hindi magsasawa ang DepEd na magpaliwanag at lapitan ang mga magulang at guri upang malampasan ang lahat ng mga pagsubok na dala ng new normal.
PNA