Binatikos kahapon ni Vice President Leni Robredo ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) dahil sa umano’y kawalan ng komunikasyon sa pagpapatupad ng “No beep card, No ride” policy sa mga bus at tren na nagsimula noong Oktubre 1.

Labis aniyang nadismaya ang mga commuter na dumaranas na ng hirap dahil sa coronavirus pandemic sa pagsisimula ng buwan, dahil inoobliga silang bumili ng card sa pagsakay sa pampublikong transportasyon.

Ang card ay nagkakahalaga ng P80 at may fare credit na P100. Nauna nang inihauyag ng DOTr na kung walang beep card, hindi pwedeng sumakay ang pasahero.

Paliwanag ni Robredo, bagamat suportado niya ang paglulunsad ng tinatawag na cashless transactions sa public transportation upang mabawasan ang hawahan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ang kawalan naman ng sapat at angkop na information drive ay nakabigla at lalong nagpahirap sa mga commuter.

Padilla, kinuwestiyon kredibilidad ng ICC prosecutors: 'Nag-aaral ba kayo ng batas?'

-BERT DE GUZMAN