ISIPIN lamang pala ni Megan Young na maghihiwalay sila ng husband na si Mikael Daez, hindi niya kakayanin. Tawa nang tawa si Mikael nang i-post niya sa Instagram nilang mag-asawa ang brainstorming sessions nila para sa podcast. Nag-isip sila ng juicy topics, nang sabihin ni Mikael na ‘paano kung maghiwalay tayo?’ Bigla na lamang umiyak si Megan, na ikinagulat ni Mikael. “So, hindi nating gagawing topic?” tanong ni Mikael na sinagot naman ni Megan ng “Oh, my God!” Pero isinulat din pala ni Megan ang topic na sinabi ni Mikael.

megan at mikael

Nine years ang naging relasyon nina Mikael at Megan at wala pa silang one year naikasal, kaya siguro hindi mati-take ni Megan na magkakahiwalay sila ng asawa.

Pero paano nga kung matagal silang magkakahiwalay kapag nagbalik-trabaho na si Mikael? Nakahanda na kasi ang lock-in taping ng cast ng Love of my Life ng GMA Network this month. Bumubuo sa cast sina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael at Ms. Coney Reyes.

Pelikula

Dulot ng ABS-CBN shutdown: Sagip Pelikula, nabuwag na

Ayon kay Carla, 100 days daw ang lock-in taping nila, na hindi sila pwedeng lumabas sa location, bilang pagsunod sa health protocols na inisyu ng IATF para sa kaligtasan ng lahat ng involved sa trabaho. So, matagal na magkakahiwalay sina Mikael at Megan, pero sigurado namang maiintindihan ito ni Megan.

-NORA V. CALDERON