Pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease ang pagbawi sa ipinatutupad na restrictions sa pagpasok ng mga dayuhan sa bansa.

Ito ang reaksyon ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasunod na rin ng natanggap na mga liham mula sa ‘Love is Not Tourism’ movement o samahan ng mga long distance couple, na nananawagan sa pamahalaan sa buong mundo na luwagan na ang travel restrictions at payagan na silang magkasama.

“Na-bring up na po ‘yan sa IATF at na-delegate na namin sa isang TWG. We’re just waiting for kung ano yung magiging recommendations niyan,” sabi ni Nograles.

Kamakailan, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na nauunawaan nito ang damdamin ng grupo at tiniyak nito na dedesisyunan ito ng IATF.

Padilla, kinuwestiyon kredibilidad ng ICC prosecutors: 'Nag-aaral ba kayo ng batas?'

Sa kasalukuyan, tanging pinapayagan lamang ng gobyerno na pumasok sa bansa ang mga foreign nationals na nakapag-asawa ng mga Pinay basta makapagharap ng marriage certificate ang mga ito.

-Argyll Cyrus B. Geducos