“PARA sa Bayan” (For the Nation).
‘Ýan ang misyon na nagtutulak sa broadcast journalist na si Erwin Tulfo lalo na ngayong pinangungunahan niya ang PTV’s primetime newscast, ang Úlat Bayan.
“More than ever lalo na ngayong may pandemic, kailangan ng Pinoy ng constant and reliable news source. “That is why I am here at the government’s premier station to do that exactly.”
Kasama ni Erwin sa team ang mga batikang broadcaster na sina Aljo Bendijo, Alex Santos at Dianne Querer para sa kanilang pang-araw-araw na programa sa PTV. Kasama sa binagong newscast na ‘Ulat Bayan’ ang pagbibigay ng exclusive reports at investigative series, bukod pa sa comprehensive coverage ng national at local reports. Bukod kay Erwin Tulfo ay nakapagbigay na rin ng special report sa ‘Ulat Bayan’ ang iba pang anchors na sina Querer, Bendijo at Santos. Kasama sa mga report na ‘ýon ang malawakang topics mula sa public accountability, pumapalpak na public officials at mga kontrobersiyal na government projects.
“We are happy our General Manager, Katkat De Castro, is herself a former journalist and producer. She is encouraging us to do what needs to be done to make our show at par with other mainstream programs,” dagdag pa ni Tulfo. Sa ngayon ay tinatawag sina Erwin, Aljo, Alex at Dianne bilang Power 4.
Ang Power 4 ay kombinasyon ng ilang dekadang journalistic experiences upang i-level up ang state-run television network.
-MERCY LEJARDE