NAKUHA ni Filipina tennis prodigy at Globe Ambassador Alex Eala ang number 2 seed sa junior girls’ tournament ng 2020 French Open sa Roland Garros sa Paris, France.

Magbabalik si Eala sa Grand Slam events matapos makansela dahil sa COVID- 19 pandemic ang US Open at Wimbledon Juniors Tournaments ngayong taon. Sa kasalukuyan, ranked No.4 si Eala sa world juniors’ rankings – pinakamataas na ranking para sa Filipino tennis player at sa Southeast Asia sa kabuuan.

Magbabalik sa clay courts ng Roland Garros si eala matapos ang matikas na kampanya sa grand slam event debut noong 2018.

Naitala ng 15-anyos ang kasaysayan bilang kauna-unahang Pinay na nagwagi ng grand slam event matapos makamit ang 2020 Australian Open juniors’ double events katambal si Priska Nugroho ng Indonesia nitong Enero.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Si Eala ang kauna-unahang Filipino na nagkwalipika sa Grand Slam tournament matapos magawa ni Jeson Patrombon noong 1991. Siya rin ang pinakabata sa top 50 junior netters sa mundo.

Mula sa #247 rank noong 2018, nasa No.13 na si Eala matapos ang impresibong kampanya noong 2019. Umabot siya sa No.5, ngunit sa pagkakahinto ng mga laro dahil sa COVID-19i muling bumamaba ang kanyang ranking.

Kasalukuyang nakabase si Eala sa Mallorca, Spain kung saan iskolar siya ng Rafa Nadal Academy. Isa siyang Globe Ambassador mula noong 2013, ngunit suportado na ng Globe ang kanyang career mula pa noong edad 8 ang batang si Eala.

Nakatakda ang 2020 French Open Juniors tournament sa October 4-10.