KUNG susundin ni Andrea Torres ang boyfriend niyang si Derek Ramsay, ang mini-series na I Can See You: The Promise na muna ang last project niya this year. Pinayuhan kasi ng aktor si Andrea na ‘wag muna tumanggap ng project sa GMA-7 man o ibang offers dahil naikwento ni Andrea sa BF na na-depress siya after ng taping ng “The Promise.”

Naikuwento ito ni Derek sa press people na nag-interview sa kanya at ayaw niya sigurong nade-depress ang GF, kaya pinayuhan na ‘wag munang magtrabaho hanggang sa end ng 2020. Ibig sabihin, naka-depende na kay Andrea kung susundin si Derek o hindi. Paano kung magandang project ang i-o-offer sa kanya?

Ang I Can See You: The Promise ay simula na ng airing sa Monday (October 5) sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Encantadia. Mapapanood ito hanggang Oct. 9. Kasama ni Andrea rito sina Yasmien Kurdi, Benjamin Alves, at Paolo Contis. Si Zig Dulay ang director nito.

Speaking of Andrea, tama kami na “sleepover partner” pa lang sila ni Derek at hindi pa tuluyang nagli-live in. Galing kay Derek ang impormasyong ito nang makausap pa rin ng press.

Tsika at Intriga

Ice Seguerra, natsikang buntis

Once a week lang daw nag-i-sleep over si Andrea sa bahay ni Derek at umuuwi pa rin ang aktres sa bahay ng parents niya. Si Andrea naman, hindi na iniintindi ang mga tsismis dahil ang mas importante ay okay at masaya sila ni Derek sa kanilang relasyon.

-NITZ MIRALLES