ANO ang posibilidad na manalo si Angel Locsin kung sakaling tumakbo sa pagka-senador para sa 2022 elections? Likas na matulungin ang philontropist na aktres at binibigyan ito ng ibang kahulugan. Pero ano ba talaga? Is she or is she not?
Sa kanyang Facebook at Twitter account pinabulaanan ni Angel na she has officially accepted ang alok ng Liberal Party sa pagka senador.
“Mag-ingat kayo sa maling propaganda at huwag magpapaloko.”
Patuloy na ang bilang ng mga taong nagtitiwala at humahanga sa aktres na malaki ang naitulong sa mga biktima ng pandemic at sa pagbibigay ng (PPE) sa medical frontliners.
Sa isang British survey ay nanguna ang pangalan ni Angel among the most admired women at kabilang sina Catriona Gray, Sarah Geronimo at Liza Soberano.
Ang hindi fake news ay ang inaabangang much publicized wedding nila ni Neil Arce.
Dapat sana ay this year ang kasalan pero kailangang ipagpaliban dulot ng pandemic “we have to replan all over again and move the wedding date para safe ang lahat.”
-REMY UMEREZ