Binuksan ng mga Archeologist sa Egypt nitong Sabado sa harap ng media, ang isang decorated sarcophagi. Kasama ng anunsiyo na natuklasan nila ang 58 “well-preserved and sealed wooden coffins” na tinatayang 2,500 taon nang nakalibing.

Ipinakitang mga arkeologo sa Egypt ang isang decorated sarcophagi, kung saan nalantad ang mummified na bangkay na nakabalot sa burial cloth na may makukulay na hieroglyphic inscriptions. AFP

Ipinakitang mga arkeologo sa Egypt ang isang decorated sarcophagi, kung saan nalantad ang mummified na bangkay na nakabalot sa burial cloth na may makukulay na hieroglyphic inscriptions. AFP

Ibinahagi ng team na nananatiling mummifies ang mga bangkay na nakabalot sa burial clote na may hieroglyphic inscriptions.

Nahukay ang mga kabaong sa timog ng Cairo, sa burial ground ng Saqqara, ang necropolis ng ancient Egyptian capital ng Memphis, na isang UNESCO World Heritage site.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“We are very happy about this discovery,” pahayag ni Mostafa Waziri, secretary general ng Supreme Council of Antiquities.

Mula nang ianunsiyo ang pagkakadiskubre ng unang 13 kabaong tatlong linggo na ang nakalilipas, mas marami pang kabaong ang nahukay sa lalim na 40 talampakan.

Samantala, ipinalalagay na mas maraming kabaong pa ang nakalibing sa lugar, ayon kay tourism and antiquities minister, Khaled al-Anani, na malapit 4,700-year-old pyramid of Djoser.

“So today is not the end of the discovery, I consider it the beginning of the big discovery,” aniya.

AFP