VATICAN CITY (AFP) — Sa unang pagkakataon mula ng mga lockdown bunsod ng coronavirus ay bumiyahe si Pope Francis sa labas ng Vatican noong Sabado, kahit na ito ay magiging isang pribadong paglalakbay para sa crowd-loving Argentine.
Maglalakbay si Francis sa Assisi, ang lugar ng kapanganakan ng kanyang kapangalang santo, kung saan pipirmahan niya ang kanyang bagong encyclical - isang dokumento na inilalatag ang mga pananaw ng papa sa mga pangunahing isyu - na tinatawag na “Fratelli tutti”, sa kahalagahan ng fraternity, partikular sa panahong ito ng COVID-19.
Sinabi ng Vatican na ito ay magiging isang pribadong pagbisita upang mabawasan ang mga panganib sa kalusugan - kapwa sa mga Katoliko na karaniwang dumadami sa mga lansangan sa mga ganitong okasyon, itinataas ang mga sanggol para mahalikan, at para mismo sa papa.
Dahil sa virus, nag-reach out si Francis sa mga Katoliko sa pamamagitan ng live-stream ng mga misa at solong nagdiwang sa Saint Peter’s Square.