NGAYONG pandemya ay may kinahuhumalingan ang mga LGBTQ+ at ito ay ang Boys Love (BL) series na napapanood sa Youtube. Bukambibig na ito ng karamihan maging sa Thailand, Taiwan, Korea at iba pa. At pahuhuli ba ang ‘Pinas? Umaariba na ang kaliwa’t kanang Boys Love series na nagtatampok sa mga up and coming actors at maging ng mga sikat na.

Royce Cabrera

Isa ang rising actor na si Royce Cabrera na sumabak sa BL series na Quaranthings. Siya ay former Mr. Pandacan 2014 at Mr. Mapua 2017. Graduate siya ng college sa kursong Construction Engineering and Management. Hilig niya ang pag-aartista kaya naman tinanggap niya lahat ng hirap at sakripisyo. 2014 nang pasukin niya ang showbiz, at wala siyang pili, mapa-supporting role o cameo ay ok lang sa kanya.

Ilan na rin ang mga nagawa niyang indie films. Pero ang tumatak sa mga tao ay ang mga pelikulang nagawa niya gaya ng Lola Igna, Fuccbois at itong BL series na Quaranthings na naglock-in shooting dahil sa pandemya.

Tsika at Intriga

Ice Seguerra, natsikang buntis

At nagbunga na rin ang mga pagsisikap ni Royce dahil napansin ang husay niya sa pag-arte. Nominated siya as Best Actor sa 43rd Gawad Urian para sa pelikulang Fuccbois na naging entry sa 2019 Cinemalaya.

“Sabi nga po nila ma-nominate ka lang sa Gawad Urian ay panalo ka na napalaking bagay na kasi prestigious award po yung Gawad Urian alam po naman ng marami iyan. So noong na-nominate po ako doon laking pasasalamat ko na sa Diyos. Panalo na po ako doon. Salamat na lang po talaga bonus na lang po talaga kung sakaling palarin. Pero mahirap po dahil lahat ng nanominate ay mahuhusay,” masayang bungad ni Royce

Anyway, sakaling magkaroon muli si Royce ng Boys Love series ay gusto niyang makapareha si Jericho Rosales o kaya si Coco Martin. Yun na!

-DANTE A. LAGANA