PARA sa kaalyado ng administrasyon, ang resolusyon hinggil sa away sa liderato sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco ay isang matalinong desisyon.
Gamit ang kanyang kapangyarihan, itinulak ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa kabila ng politikal na sitwasyon ng Kamara na pumapabor kay Cayetano, ang pagkilala sa ‘gentleman’s agreement’ sa pagitan ng dalawang lider na nagkasundo sa harap ng punong
ehekutibo, higit isang taon na ang nakalilipas.
Sa ilalim ng kasunduan, pamumunuan ni Cayetano ang liderato ng Kamara sa loob ng labin-limang buwan, habang si Velasco, na malapit na kaibigan ng deputy speaker at anak ng Pangulo na si Rep. Paolo Duterte, ay papalit at mamumuno sa loob ng mas mahabang 21-buwan.
Sa simula pa lamang ng panguluhan ni Duterte, madalas nang nagpapakita ng lakas ang Palasyo sa pagtukoy kung sino ang dapat mamuno sa Kamara, isang lehislatibong kapulungan, na ang intensyon at tungkulin, ay may kalayaang magdesisyon nang walang panghihimasok ng anumang puwersa mula sa labas.
Ngunit hindi ganito ang naging kaso. Bago pa man magbukas ang Kongreso noong 2016 sa ilalim ng bagong panguluhan, mabilis na pinalutang ni Duterte ang kanyang pagkatig kay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez. At tulad ng mga damong-dagat laban sa bugso ng pagtaas ng tubig, halos lahat ng mga mambabatas sa Kamara ay bi-nasa ang anunsiyo bilang isang deklarasyon ng suporta. Ang sumunod—isang mapa-minsalang liderato.
Upang ipakita na ang Kongreso ay malaya sa Ehekutibo ay isang katha lamang. Sa ila-lim ng anumang kondisyon, ang pagkakaayos na itinakda sa Charter hinggil sa ‘check and balance’ sa pagitan ng tatlong sangay ng pamahalaan ay isang ‘unbalanced ar-rangement.’
Sa ilalim ng itinatakda ng Konstitusyon, nakaasa ang mga hukom ng Kataas-taasang hukuman sa pagpayag ng Pangulo para sa kanilang paghirang habang kalimitang sumasandal ang mga kongresista sa panig ng pinakamalakas na kandidato sa pagka-pangulo tuwing halalan upang makasiguro ng pabor o seguridad sa politika sa hina-harap.
Ang lumalagong impluwensiya na nailatag ng Pangulo sa Kongreso ay maaaring hindi naman masama kung ang pangunahing rason ay ang pagsisiguro na ang kanyang mga hangarin ay mabibigyan ng mas mabilis na atensyon kumpara sa normal. Gayun-man, ang nakababahala, ay ang paggamit sa interbensyong ito bilang isang mainam na instrumento para sa elektoral na plano sa hinaharap. Sa kaso ni Duterte, higit pa ito sa inaasahan dahil sa namumuong ingay-politika para sa kanyang anak, na si Davao city mayor Sara Duterte-Carpio, bilang kapalit niya sa 2022.
Dagdag pa rito, sa pagreresolba ng sigalot sa Kamara, gumawa ng mapamilit na hak-bang ang Pangulo na naglagay sa Kongreso sa mas malinaw na posisyon, ngunit nega-tibong nagpatibay sa obserbasyong naging probinsiya na lamang ang mababang kapu-lungan sa ilalim ng Ehekutibo.
Ang obserbasyong ito’y maaaring mag-iwan ng pangit na impresyon, ngunit tiyak itong sisira ng mito hinggil sa ‘legislative independence,’ isang bagay na kailangang mabago sa pagdating ng tamang panahon.
-Johnny Dayang