Sa gitna ng mainit na usapin sa agawan sa puwesto sa Kamara, umapela si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kay Speaker Alan Peter Cayetano na tapusin na ang deliberasyon ng P4.5 trilyong national budget para sa 2021 at bumaba bilang House Speaker sa Oktubre 14, gaya ng napagkasunduan.

Aniya, ibinigay ni Cayetano sa harap ni Pangulong Duterte ang palabra de honor na igagalang ang hatian o term-sharing agreement.

“Sa susunod na mga araw at linggo, ipakita natin sa publiko na bilang mga kinatawan, tayo ay disente pa rin, honorable at trust-worthy leaders na ang tanging agenda ay pagsilbihan ang mamamayan.”

Sa kanyang Facebook post, nag-akusa si Velasco na nais ni Cayetano at mga kaalyado na hawakan ang poder sa Kamara sa pamamagitan ng usapin sa pagpapasa ng pambansang budget o pangho-hostage sa budget. Itinanggi ito ng kampo ni Cayetano. “Ang mga tanong po kay Speaker Cayetano at sa kanyang barkada: budget ba ito para sa bayan or budget ng mga barkada mo? Makabuluhang budget ba ito sa gitna ng pandemya o malaking budget ba ito para sa grupo mo? Is this why Speaker Cayetano and his sidekicks are adamant and fiercely fighting the peaceful transition of House leadership? Is this why Speaker Cayetano is trying to blackmail President Duterte and hold the budget hostage if his term is not extended?,” saad ni Velasco sa Facebook post .

ICC, pinahintulutang lumiban si FPRRD sa pagdinig ng confirmation of charges

Sa ilalim ng term-sharing deal, magsisilbing speaker si Cayetano sa loob ng 15 buwan at si Velasco ang papalit sa kanya para magsilbi sa loob ng 21 buwan.

-Bert de Guzman