Nakasilid sa sako at palutang-lutang sa ilog ang bangkay ng isang lalaki, na hinihinalang biktima ng summary execution nang matagpuan sa Barangay Hulo, Mandaluyong City kamakalawa.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawan lamang na nakasuot ng green na t-shirt, asul na maong pants at may itim na sling bag.

Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police sa Eastern Police District (EPD), dakong 4:30 ng hapon kamakalawa nang madiskubre ni Ramil dela Cruz, environmental staff ng Barangay Hulo, ang dalawang sakong palutang-lutang sa Pasig River na sakop ng Coronado Extension, kanto ng Sanibiy Street.

Inireport niya ito sa Emergency Quick Response Team, na n siyang nag-ahon sako. Nasa Quioque Funeral na ang bangkay para sa safekeeping at awtopsiya.

Padilla, kinuwestiyon kredibilidad ng ICC prosecutors: 'Nag-aaral ba kayo ng batas?'

Mary Ann Santiago