HIGIT 170 bansa ang nangako sa isang virtual UN summit kamakailan, para sa pagpapalakas ng hakbang upang maingat ang karapatan ng mga kababaihan, habang pinasaringan ng US ang paggigiit ng China sa liderato hinggil sa isyu.

Ang pulong, na ginanap bilang bahagi ng United Nations General Assembly, ang nagmarka sa ika-25 anibersaryo ng seminal 1995 World Conference on Women sa Beijing.

“In the coming five years, China will donate another $10 million to UN Women,” pangako ni President Xi Jinping sa isang pre-recorded video, kasama ng mungkahi para sa isa pang panibagong world meeting hinggil sa gender equality sa 2025.

Sa kanyang sariling talumapati, kinondena naman ni US Secretary of Education Betsy DeVos ang pagtrato sa mga kababaihan sa Venezuela, Cuba at Iran, ngunit inilaan ang kanyang pinakamatinding kritisismo sa Beijing.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“The worst violator of all in both scope and scale is the host of the conference we commemorate today,” aniya.

“Since 1995, the Chinese Communist Party has been responsible for the murder of millions of baby girls through brutal population controls on industrial scale, unfortunately with the support (of) UN agencies.”

Partikular na tinukoy ng US official ang operasyon ng Beijing sa Xinjiang region, na ayon sa ilang rights groups at mambabatas sa Washington ay maaaring maituring na genocide.

Binatikos din ni DeVos ang gawain ng sterilization, abortion at birth control na ipinupuwersa, aniya sa mga Uighur Muslim women.

Samantala, nangako naman ang France at Mexico sa pagho-host ng isang international forum hinggil sa karapatan ng mga kababaihan sa susunod na Hunyo sa Paris— isang pulong na nakatakda sana nitong Hulyo ngunit nakansela dahil sa pandemya.

Binanggit naman ni French President Emmanuel Macron ang mabagal na pag-usad sa nakalipas na 25 taon.

“Everywhere, women’s rights are under attack, as are human rights, from which they are inseparable,”aniya.

“Progress achieved by great efforts is being undermined even in our democracies, starting with the freedom for women to control their own bodies, and in particular the right to abortion,” dagdag pa niy, kasama ng pagbibigay-diin sa kawalan ng pagkakapantay-pantay sa pag-aaral, suweldo, trabaho at political na representasyon.

Maging sa UN General Assembly, mangilan-ngilan lamang ang mga kababaihang nagsalita bilang kinatawan ng 170 bansa.

Sinabi ni UN Secretary General Antonio Guterres na ang gender equality ay “fundamentally a question of power, so it starts with the equal representation of women in leadership positions.”

Ibinahagi niya ang sitwasyon na nagtutulak sa isa sa bawat tatlong kababaihan na makaranas ng karahasan at ang 12 milyong mga babae na nagpapakasal sa ilalim ng 18-anyos kada taon.

Binanggit din niya ang tala na 137 kababaihan ang pinapatay ng mga kaanak mismo kada araw noong 2017.

-Agence France-Presse