Nilinaw ng isang opisyal mula sa Department of Transportation (DOTr) nitong Sabado na ang mga lumang beep card na ginamit para sa mga linya ng tren ay maaari ring magamit sa EDSA Busway system.
“Meron daw mga nag bebenta ng beep cards sa mga stations at sinasabi na di daw puwedeng gamitin ‘yung lumang beep card nila…Di po totoo iyon, fake news po ‘yon, wag kayong maniniwala,” sinabi ni DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran sa isang panayam ng DZBB.
Sinabi ni Libiran na ang mga beep card na ginagamit sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) ay pareho sa ginagamit sa EDSA Busway.
“Kung ‘yung beep card niyo ay nagagamit ninyo sa MRT at LRT pu-pwede pa rin po gamitin sa EDSA Busway ‘yan,” aniya.
Samantala, tiniyak ng Libiran sa publiko na ginagawa ng DOTr ang parte nito sa pagtulak para sa mga libreng beep card.
Sinabi ni Libiran na ang DOTr, kasama na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ay nakikipag-ayos na sa consortium ng Metro Manila na nagpapatakbo ng sa automatic fare collection system (AFCS).
Sinabi ng opisyal ng DOTr na maglalabas ang LTFRB ng isang memorandum circular tungkol sa bagay na ito “next week or not later than next week.”
Bukod sa card issuance fee, sinabi ni Libiran na nilalayon din ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang pagtanggal ng minimum load requirement na P60, at convenience fee na P5 sa tuwing mag-load ang pasahero ng kanyang beep card.
Sinabi ni Libiran na binigyan ni Tugade si LTFRB Chairman Martin Delgra ng dalawang pagpipilian upang malutas ang isyu sa mga beep card: Ang isa ay ibigay ito nang libre at pangalawa ay suspindihin ang paggamit ng mga AF (automatic fare) payment sa loob ng limang araw hanggang sa malutas ang isyu.
-Noreen Jazul