LAKE BUENA VISTA, Florida (AP) — Dominante ang Los Angeles Lakers sa patas na laban. Laban sa kulang sa players na Miami Heat, isa lamang ang maibubulas – sumakay ka pa.

Tulad ng inaasahan, magaan ang nagging tema ng laro ng Lakers tungo sa 124-114 panalo nitong Biyernes (Sabado sa Manila) para sa impresibong 2-0 bentahe sa best-of-seven NBA Finals.

Tumapos si LeBron James, pinakamakaranasang player sa championship, sa natipang 33 puntps, siyam na rebounds at siyam na assists, habang kumana si Anthony Davis ng 32 puntos para makalapit sa kauna-unahang NBA title.

Kumana ang Lakers ng 16 three-pointer para sa kabuuang season-high 47.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Nanguna si Jimmy Butler sa Heat na may 25 puntos, 13 assists aat walong rebounds, ngunit kulang sa suporta bunsod ng injuries kina All- Star forward Bam Adebayo (neck and left shoulder) at Goran Dragic (torn left plantar fascia).

“It’s a great team that we’re playing, and we understand that,” pahayag ni James.

Nakatakda ang Game Three sa Linggo (Lunes sa Manila), ngunit wala pang opisyal na pahayag ang Miami kung palalaruin sina Dragic at Adebayo.

Nag-ambag si Kelly Olynyk ng 24 puntos sa Heat, naghabol sa 32 puntos na bentahe sa Game 1 matapos mainjured sina Adebayo at Dragic. Nagsalansan naman si rookie Tyler Herro ng 17 puntos at tumipa sina Kendrick Nunn at Jae Crowder ng 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.