WASHINGTON — Nanawagan kamakailan si UN Secretary-General Antonio Guterres para sa isang “immediate infusion” ng $15 billion sa isang global pool para sa pabili at pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa isang virtual summit na pinangunahan ng organisasyon.
Tumanggap na ang ACT-Accelerator, na pinamumunuan ng World Health Organization (WHO), ng $3 billion sa $38 billion na kinakailangan upang mapunan ang hangaring makapag-produce at makapaghatid ng dalawang bilyong doses ng bakuna, 245 milyon treatments at 500 milyon diagnostic tests sa susunod na taon.
Kabilang naman sa mahalagang bagong ambag ang dagdag na 100 million euros ($117 million) mula kay German Chancellor Angela Merkel, bukod pa sa 675 million euros na una nang ipinangako ng Germany.
Sinabi naman ni Britain foreign minister Dominic Raab, na ang kanyang bansa na una nang nangako ng 250 million pounds ($320 million), ay magdaragdag ng panibagong pound sa bawat apat na dolyar na ibibigay ng iba, na katumbas ng halos 250 million pounds na dagdag.
Nangako si Sweden Prime Minister Stefan Lofven ng $10 million habang si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ay nagpahayag ng Can$440 million ($332 million) nitong nakaraang linggo, kalahati rito ay mapupunta sa mga low o middle-income na bansa.
Sinabi naman ni World Bank president David Malpass na iminungkahi niya ang “up to $12 billion of fast-track financing” sa mga bansa para sa pagbili at paglalaan ng Covid-19 vaccine, na una na ring inanunsiyo.
‘WINDOW OF OPPORTUNITY’
“These resources are crucial now to avoid losing the window of opportunity for advance purchase and production, to build stocks in parallel with licensing, to boost research, and to help countries prepare to optimize the new vaccines when they arrive,” pahayag ni Guterres.
“Despite extraordinary efforts to contain its spread, the COVID-19 pandemic continues to ravage the world, reaching one million lives lost this week,” dagdag pa niya.
“It is in every country’s national and economic self-interest to work together to massively expand access to tests and treatments, and to support a vaccine as a global public good.”
Sa kanyang mensahe, inanunsiyo ni Bill Gates na lumagda ang kanyang foundation ng isang bagong kasunduan sa 16 biotech firms upang mapalawak ang global access sa bakuna, therapeutics at diagnostics.
Sinabi ni Gates na “[the world was on the brink of a] great scientific achievement” sa porma ng bakuna.
Ngunit nabanggit din niya na ang mga low at low-middle income countries, na bumubuo sa halos kalahati ng buong populasyon, ay may kakayanan lamang na masakop ang 14 porsiyento ng kanilang populasyon para sa COVID-19 vaccine.
Ibinahagi naman sa summit ni Alex Gorsky, ang CEO ng Johnson and Johnson, na bahagi ng kasunduan sa Gates Foundation, na plano ng kanyang kumpanya na maglaan ng 500 milyong doses ng bakuna para sa lower income countries pagsapit ng kalagitnaan ng susunod na taon.
Sinabi ni WHO Director-General Tedros Ghebreyesus na “[he was] grateful for the generous financial commitments made [but added there remained a] significant funding gap to close.”
Agence France-Presse