UMABOT sa 702 ang aplikante sa kauna-unahang drafting ng Women’s National Basketball League (WNBL).

Sa kabila ng ginawang pagpapatigil sa orihinal na petsa ng deadline ng aplikasyon mula Oktubre 1 sa Setyembre 22, hindi naawat ang Pinay cage players na makiisa sa kasaysayan.

Nagpasalamat naman si WNBL Executive Vice President Rhose Montreal sa lahat ng mga nagsumite ng kanilang application sa unang women’s professional basketball league sa bansa.

“Sobrang overwhelming,” ani Montreal. “We at the WNBL are truly humbled with the number of applications we received.”

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“This just shows that we have a lot of talent in women’s basketball here in the country.”

Ilan sa mga kilalang manlalaro na nagsumite ng kanilang aplikasyon sa draft ay sina Monique Del Carmen, Raiza Palmera-Dy, April Lualhati, Jack Tanaman, Janette Yanez, AJ Gloriani, Tina Deacon at Fille Claudine Cainglet. Ang mga manlalaro na may edad 20 pababa ay hindi papayagang makasali sa draft gayundin isa sa pangunahing criteria para makasama sa isasagawang Draft Combine sa darating na Oktubre 12 - 16 sa Pampanga.

-Marivic Awitan