Nagpositibo sa COVID-19 test si US President Donald Trump gayundin si First Lady Melania Trump ngunit mabuti ang kalagayan at magpapatuloy na gampanan ang kanyang mga tungkulin habang naka-quarantine sa White House, sinabi ng kanyang doktor noong Biyernes.
Si Trump, na unang inihayag ang balita tungkol sa kanyang positive test sa Twitter, ay nagsulat: “We will get through this TOGETHER!”
Kinansela ng White House ang kanyang nakaplanong campaign rally sa kritikal na swing state ng Florida noong Biyernes.
May 32 araw na lamang bago ang halalan sa Nobyembre 3 laban sa Democrat na si Joe Biden at nahuhuli sa mga survey, natitiyak din na kakailanganin ni Trump na kanselahin ang iba pang mga paglalakbay na naka-iskedyul para sa katapusan ng linggo at sa susunod na linggo.
Sinabi ng opisyal na manggagamot ni Trump na si Sean Conley, sa isang pahayag na ang pangulo at ang kanyang asawa “are both well at this time and they plan to remain home at the White House during their convalescence.”
Sinabi ni Conley: “I expect the president to continue carrying out his duties without disruption while recovering.”
Ang nakakagulat nanbalita ay dumating kaagad pagkatapos na ang isa sa pinakamalapit na tagapayo ni Trump na si Hope Hicks ay naiulat noong Huwebes na nagpositibo sa virus.
Nagbibigay ng panayam si Trump sa Fox News nitong Huwebes nang kumpirmahin niya ang balitang kay Hicks at sinabing nagpa-test na siya.
“She’s a hard worker. Lot of masks, she wears masks a lot but she tested positive,” dugtong niya. “Then I just went out with a test. I’ll see -- you know, because we spent a lot of time -- and the first lady just went out with a test also,” sinabi ni Trump.
“In the meantime, we will begin our quarantine process!” sunod niyang tweet.
Si Hicks ay naglalakbay kasama si Trump sakay ng Air Force One nitong Martes lamang upang lumipad sa Cleveland para sa unang debate ng pampanguluhan katapat ni Democrat Joe Biden.
Kasama rin siya sa Marine One helicopter nitong Miyerkules nang lumipad si Trump pabalik sa White House pagkatapos ng rally sa Minnesota.
AFP