TATAKBO na bukas ang unang yugto ng Philracom Triple Crown Series, ang pinaka-prestihiyosong karera sa mga kabayong 3-taong gulang, sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Maglalaban para sa tropeo ang mga kabayong Cartierruo (owner Melanie Habla, jockey KB Abobo), Four Strong Wind (Alfredo Santos, OP Cortez), Heneral Kalentong (Benjamin Abalos Sr., JB Guce), Runway (Joseph Dyhengco, MM Gonzales) at Tifosi (SC Stockfarm, JA Guce).
May kabuuang P3 million na papremyo ang nakataya sa karera na tatakbuhin sa distansiyang 1,600 metro, tampok ang P1.8 million ang mapupunta sa kampeon at P675,000 naman sa runner-up. Ang pangatlo at pang-apat ay tatanggap ng P375,000 at P150,000.
Nagkampeon ng dalawang beses ang Real Gold noong nakaraang taon matapos sungkitin ang una at ikatlong legs ng serye, samantalang Boss Emong naman ang nagwagi sa ikalawang yugto.
Inilunsad ang Philippine edisyon ng Triple Crown noong 1978, kung saan nanalo ang Native Gift sa unang dalawang yugto bago maharang ng Majority Rule ang balak nitong sweep.
Mula noon, mayroon lamang 11 Triple Crown na kampeon sa bansa, na kinabibilangan ng Fair and Square noong 1981, Skywalker (1983), Time Master (1987), Magic Showtime (1988), Sun Dancer (1989), Strong Material (1996), Real Top (1998), Silver Story (2001), Hagdang Bato (2012), Kid Molave (2014) at Sepfourteen (2017).
Itatakbo din sa Linggo ang Philracom Hopeful Stakes Race na magbibigay ng P1 million na papremyo at ang Philracom 3YO Locally Bred Stakes Race, na may P500,000 na nakataya. Ang dalawang karerang ito ay may distansiya na 1,600 meters.
Maglalaban para sa P600,000 na kampeonatong papremyo ng Hopeful Stakes ang After Party (SC Stockfarm, Jockey MM Gonzales), Batang Dragon (Alfredo Santos, JB Guce), Bourne Leader (Melanie Habla, JA Guce), Exponential (Raymund Puyat, JB Hernandez), La Republika (Mariano Tirona, AR Villegas), Maximum Risk (Peter Allan Limjoco, RG Fernandez), Prettiest Star (Ma. Theresa Floirendo, PJ A Guce), Primetime Magic (Ken Logistics Forwarders, RM Garcia), Sacred Syndicate (Running Rich Racing, KB Abobo), Spandau Ballet (Francisco Crisosotomo, FM Raquel), Sweet Spot (Paul Aguila, CP Henson) and Zenaida (Cool Summer Farm, OP Cortez).
Samantala, nakalista na magtunggali sa Locally Bred Stakes Race sinaAbetski (owner Abraham Alvina, jockey RD Raquel Jr.), Calbayog (Benjamin Abalos Jr., AR Villegas), Drummer Girl (Running Rich Racing, JA Guce), I Love Ninetyseven (Richard Aquino, KB Abobo), Noon Bell (Bell Racing Stable, JB Hernandez), Our Secret (SC Stockfarm, MM Gonzales), Radio Gaga (Francisco Crisostomo, RG Fernandez), Redhead Dancer (Raymund Puyat, PM Cabalejo), Sky Shot (Henedino Gianan Jr., JP A Guce), Stardust (Leonardo Javier Jr., RA Base) and Under Pressure (Ma. Teresa Lara, PJ A Guce).