Maiksi ang pahayag ni Raymart Santiago sa relasyon nila ni Jodi Sta. Maria na nalaman lamang kamakailan nang mag-dinner ang dalawa sa isang restaurant sa Alabang.

Jodi

“Hindi naman kami KathNiel o LizQuen. Kung ano man yung inilabas niyo. Yun na ‘yon, masaya lang lahat.”

Inamin ni Raymart na sila na ni Jodi, pero ayaw niyang pag-usapan at gusto sanang gawing pribado na tila mahirap mangyari lalo’t nalaman na. Marami ang makikialam, heto nga at pati netizens nakikiaalam.

Tsika at Intriga

Ice Seguerra, natsikang buntis

Kesyo, hindi bagay si Raymart kay Jodi, ang she deserves better, at may nagsabi pa na sana alaagaan ni Raymart si Jodi, ‘wag paiiyakin at ‘wag sasaktan. Para namang maraming alam ang mga taong ito kay Raymart at ganu’n na lang kung kanilang maliitin.

Anyway, wala pang reaction si Jodi sa paglabas ng relasyon nila ni Raymart, pero may post ito sa Instagram tungkol sa pagmamahal.

Post ni Jodi: “Loving is a choice. It’s not all about enjoyment but takes sacrifice and maturity.

“Choosing to love someone means you understand that they will have faults. There’ll be tough times for sure but if your love is true and strong you will conquer it all.

“Choosing to love someone is not easy task. It involves assessing and seeing what changes you need to make to help each other grow,

“When you love, you journey with that person, it will require tons of patience and understanding and some adjustments, it may test you but in the end you will find it is worth everyrthing. Love is the most important thing we can share with someone. #munimunimode.”

-NITZ MIRALLES