Isang Belgian artist ang nanalo sa pitong taong ligal na labanan upang kumpirmahin bilang isang prinsesa at opisyal na anak na babae ng dating hari na si Albert II, sinabi ng kanyang abogado nitong Huwebes.
Si Delphine Boel, 52, ay naging Delphine Saxe-Cobourg makaraang i-endorso ng Brussels appeal court ang mga resulta ng isang DNA test, sinabi ng abogadong si Marc Uyttendaele sa AFP.
“The court affirms that King Albert II is her father,” sinabi ng abogado, isang pahayag na kinumpirma ng judicial source.
“She will henceforth bear the patronym of Saxe-Cobourg. Her other requests that she be treated on the same footing as her brothers and sister were also granted,” aniya.
Si Albert II, King of the Belgians, ay naghari sa pagitan ng 1993 at 2013 bago tumalikod pabor sa kanyang lehitimong anak na si Philippe, ang kasalukuyang monarch ng bansa.
Si Boel, isang iskultor, ay naiulat na illegitimate daughter ni Albert mula pa noong dekada 1990—- ngunit nitong nakaraang taon lamang inobliga ng isang korte ang hari na magsumite ng isang sample ng DNA.
Sinabi ng abogado na haharap si Boel sa media sa susunod na linggo, kapag nakaipon na siya ng lakas.
Kinilala ni Albert, na ngayon ay 86, noong Enero na siya ang ama ni Boel matapos na nagpositibo ang DNA test, na nagwakas sa paternity battle na inabot ng pitong taon.
Ngunit nagpatuloy ang kaso sa korte, dahil hiniling ni Boel ang pagkilala bilang “Her Royal Highness Delphine de Saxe-Cobourg”.
Sinabi ng judicial source sa AFP na ang kanyang mga anak ay kikilalanin ngayon bilang prinsipe at prinsesa ng Belgium.
AFP