Hiniling ni Senator Francis Pangilinan na suspendihin ang pagpapatupad ng “no Beep card, no ride policy” sa Metro Manila transport system, lalo pa’t malaki rin ang presyo ng card na P80.

“At siyempre, iba pa ang load sa P80 na pagbili ng Beep card. ‘Yung iba sa ating manggagawa ay arawan ang suweldo at walang ekstrang pera. Ipinangungutang pa ang pamasahe dahil talagang walang-wala, tapos pipilitin pa silang bumili ng Beep card at mag-iwan ng maintaining balance para magamit ang card. Ano ba naman ‘yan?” puna ng senador.

Aniya, ang tagal nang hirap ang mga taong walang masakyan, ang tagal nang walang pasada ang mga jeepney driver.

Isinulong ni Pangilinan sa Senado ang pag-amyenda ng Bayanihan 2 (Republic Act 11494) ng P5.58 bilyong alokasyon sa service contracting scheme.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

“Kaisa ako sa panawagan ng mga manggagawa at pasahero na i-waive na ang purchase, maintenance at convenience fees. Libre dapat’ yung card. Dapat ‘yung pamasahe o load lang ang bayaran,” sabi pa ng senador.

-LEONEL ABASOLA