LAKE BUENA VISTA, Florida (AP) — Dehado na sa serye, kukulangin pa sa player ang Miami Heat dahil sa injury. Sa kabila nito, wala pang dahilan si Jimmy Butler para isuko ang laban.
Nakatakda ang Game Two ng best-of-seven NBA Finals Biyernes ng gabi (Sabado sa Manila) kung saan liyamado ang Los Angeles Lakers na makuha ang 2-0 bentahe.
“I beg to differ,” pahayag ni Butler.
Sasabak ang Heat na wala si star point guard Goran Dragic na napunitan ng ‘plantar fascia’ sa kaliwang paa, habang tiyak na ipapahinga rin si All- Star Bam Adebayo dahlia sa neck injury bukod sa dinaranas na pananakit ng kanang balikat.
“When it rains, it pours,” pahayag ni Butler, nagtamo rin ng mild sprained sa Game One na nadomina ng Lakers, 116-98. “All in all, though, we’re still expected to win. We got here for a reason. We realize we belong. ... Obviously, we definitely need those two guys, don’t get me wrong. But I’ve always said, next man up when a man goes down,” aniya.
Sa kabila nito, ayaw pakumpiyansa ni Lakers coach Frank Vogel.
“They have an army of guys that play a great style of play, that’s very, very difficult to guard,” aniya. “They work extremely hard on the defensive end and we’ve got to prepare for whoever’s in uniform.”