Inamin ng British health experts nitong Miyerkules na ang coronavirus ay hindi na makontrol habang tumataas ang bilang ng mga kaso at ang pagpasok sa ospital sa kabila ng mga panibagong paghihigpit sa mga pagtitipon sa lipunan.

“Things are definitely heading in the wrong direction,” sinabi ni UK chief science adviser Patrick Vallance sa isang press conference ng gobyerno, habang dagdag na 7,108 na kaso at 71 ang namatay na naiulat.

Habang nababala si England chief medical officer, Chris Whitty, na tumataas din ang mga naoospital at pagpasok sa intensive care, idinagdag ni Vallance: “We don’t have this under control at the moment.”

Mahigit sa 42,000 katao ang namatay mula sa COVID-19 sa Britain, ang pinakamalakang bilang sa Europe, sa kabila ng isang pambansang stay-at-home na ipinataw noong huling bahagi ng Marso.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Niluwagan ang lockdown noong Hunyo ngunit kamakailan-lamang ay muling binago ng mga awtoridad ang mga paghihigpit sa mga pagtitipon sa lipunan, kasama ang pagbabawal sa mga grupo na higit sa anim at maagang pagsasara para sa mga pub.

Nakatayo sa tabi nina Vallance at Whitty, sinabi ng Prime Minister Boris Johnson na masyado pang maaga upang sabihin kung magkakaroon ito ng epekto at hinimok ang mga tao na sundin ang mga patakaran

“If we put in the work together now then we give ourselves the best possible chance of avoiding that outcome and avoiding further measures,” aniya.

AFP