DUMARAMI ang mga kababayan natin na naghahanap ng resulta o paggawad ng parusa sa mga nakaupong opisyal ng pamahalaan na sangkot sa pangungurakot ng bilyones sa kaban ng bayan, at ramdam na ramdam ito sa panggigil ng netizen sa kanilang mga post at komento sa social media.
Sa halip maparusahan, panandalian lamang na sinibak habang iniimbestigahan, at kapag natabunan na ng ibang isyu, bigla na lang malalagay sa ibang posisyon.
Oo nga naman – dumarami ang lahi nila at patuloy na nadaragdagan pa. Hala - heto ang latest na naabot ng radar ko!
Isang dating deputy commissioner sa Bureau of Customs (BoC) – kasama sa inimbestigahan sa Kamara noong 2018 dahil sa kasong pagre-release ng mga container van na puno ng kontrabando at sinibak ni Pangulong Duterte -- si Noel Patrick Sales Prudente, ay itinalaga bilang Assistant Secretary ng Department of Trade and Industry (DTI). At ang pangunahing papel niya rito ay ang direktang pamumuno sa Construction Industry Authority of the Philippines (CIAP), isang attached agency ng DTI. Anyare sa imbestigasyon?
‘Di ko lubos maisip kung paano ito nakalusot kay DTI secretary Ramon Lopez na respetadong opisyal ng pamahalaan sa larangan ng pagnenegosyo.
Sa ganitong klase ng pamamalakad sa pamahalaan sumusubo ang galit ng netizen, kaya’t naibubuhos nila ang silakbo ng dibdib sa social media, na agad namang nagba-viral.
Gaya nitong pinagpapasa-pasahan sa social media na “open letter” sa Pangulong Duterte na naka-post sa Facebook account ng tinitingalang academician at political scientist sa bansa, si Professor Clarita Carlos.
With all due respect...
“I am OUTRAGED that you have thrown in the towel re fighting corruption!
“I am OUTRAGED that reportedly, some of those whom you have appointed to run after corrupt officials are corrupt themselves!
“I am OUTRAGED that you continue to recycle people who have displayed their ineptitude and incompetence in a previous office.”
Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected]
-Dave M. Veridiano, E.E.