UMAASA si Philippine Olympic Committee (POC) chief Abraham “Bambol’’ Tolentino na magiging maganda ang performance ng mga atletang Pilipino hindi lang sa 2021 Tokyo Games, kundi maging sa idaraos ding Southeast Asian Games sa susunod na taon.

Ayon kay Tolentino, kinatawan ng ika-7 distrito ng Cavite, makikipagtulungan siya sa kasamang mambabatas para maipagkaloob sa Philippine Sports Commission (PSC) ang  budget na makatutulong sa pagsasanay ng mga atleta.

“The budget will be a big factor in our bid to stay competitive in the Games. I will see to it that the PSC gets what it needs,’’ ani Tolentino.

Bagama’t, hindi siya masyadong optimistiko na mapananatili ng Team Philippines ang overall title sa SEAG na natamo nitong 2019  nang ang paligsahan ay ginawa sa Pilipinas, hindi naman niya papayagan na bigla ang magiging pagbaba ng bilang mga medalya na makakamit ng Filipino athletes.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Aminado siya na may kahirapang mapanatili ang titulo dahil sa isyu sa bilang at uri ng sports na paglalaruan, pero hindi naman niya papayagang muling dumausdos sa ika-6 o ika-7 puwesto ang Team PH matapos maging overall champion noong nakaraang taon.

Ang 31st SEA Games ay nakatakdang idaos sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2,2020 sa Hanoi. Plano ng Vietnam organizers na mag-host ng lang ng 36 sports— kulang ng 20 events nang matamo ng Pilipinas ang overall title noong 2019.

Kabuuang 15 sa 20 sports ang nagbigay ng 56 gold medals sa Team Philippines. Nagtamo ang PH Team ng 149 ginto kumpara sa Vietnam (98).

“I have plans to keep us competitive, but I will reveal them after the [POC] elections. We’re also waiting for the number of sports and events to be finalized by the host country,’’ ani Tolentino.    Bert de Guzman