‘BOXING BUBBLE’!

Ni Edwin Rollon

SA wakas, balik aksiyon na ang professional boxing matapos ang halos pitong buwang pagkaantala dulot ng COVID-19 pandemic.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa masusing gabay at pangangasiwa ng Games and Amusements Board (GAB), muling sisigla ang industriya ng pro boxing sa ilalargang ‘boxing bubble’ ng Cebu-based Omega Sports Promotions sa Oktubre 7 sa International Pharmaceuticals Inc. compound sa Mandaue City.

“Aprubado po ng GAB ang inilatag na programa ng Omega Sports Promotions, partikular sa health protocol. Matagal na pong nagdurusa ang ating mga boxers sa naganap na pandemic. Alam naman po natin na kung walang laban, wala ring kinikita ang mga fighters,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

“Nagpapasalamat kami sa Omega at sa kabila nang epekto sa negosyo at kabuhayan dahil sa pandemic, hindi pa rin nila nakalimutan ang ating mga fighters at ang boxing in general,” ayon sa dating Palawan Governor at Congressman.

Pinasalamat naman ni Omega Sports chief Jerome Calatrava ang suportang ipinagkaloob ng GAB, higit sa kasagsagan ng pandemic kung saan naabutan ng ayuda ang mga boxers para maibsan ang nararanasan na kahirapan.

"We are honored and privileged to be holding this historic boxing card in Cebu. It is a challenge but we are looking forward to it," pahayag ni Calatrava sa kanyang pagdalo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online forum nitong Martes.

Nakalinya sa promosyon ang duwelo nina Omega's Ronnie Vecilles at Baguio's Junel Lacar para sa 10-round light-flyweight (108-pound) clash, gayundin ang labanan sa pagitan nina Christian Araneta ng Omega kontra Richard Rosales ng Bohol sa 10-round light-flyweight match.

Sasagupain naman ni Omega's Penitente Apolinar si Cagayan de Oro's Jetro Pabustan sa featherweight (126-pound), habang magtutuos sina Carlo Bacaro at kababayang Cebuano na si Jeffrey Stella sa 6-round light-welterweight (140-pound) encounter.

Tangan ni Vecilles ang World Boxing Association South light-flyweight title at ranked No. 10 sa World Boxing Council (WBC) ratings,  habang si Araneta ay dating WBC Asia silver champion sa light-flyweight division.

"All the boxers are excited and itching to fight. The excitement cannot be described, including the opponents of our boxers," sambit ni Calatrava.

Kabilang sa Pinoy world champion na produkto ng Omega si reigning  World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimiro.

"We would like to also thank GAB chairman Mitra’s backing in staging this event," pahayag ni Calatrava.

Iginiit niya na sinunod nila ang lahat ng panuntunan batay sa aprubadong programa ng Inter-Agency Task Force mula sa rekomendasyon ng Joint Adminsitrative Order (JAO) ng GAB, Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Health (DOH).

"We will have about 50 people involved, including the boxers, crew, and the one referee we hired for the event that will be held in closed doors with GAB officials watching," sambit ni Calatrava. "We will then play the video of the event on our Facebook page Omega Boxing Gym on a delayed basis."