Bukodsa napuri ng netizens ang magandang story ng I Can See You: Love On The Balcony, nagustuhan din nila ang acting ng lead stars na sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith. Ang maganda sa kanila, madali silang nagkapalagayang-loob, dahil hindi ito ang una nilang pagsasama sa isang project. Una silang nagkasama bilang former lovers sa movie na Imagine You & Me noong 2016.
“Malaking tulong po sa amin ni Jasmine na nagkatrabaho na kami noon, kaya kahit na maraming health protocols na kailangang sundin sa set, naging magaan ang taping namin ng serye dahil sa magandang samahan namin,” sabi ni Alden. “Siguro mapapansin ninyo sa mga eksena namin nina Jasmine at Pancho (Magno) na very casual lamang ang pagganap namin.”
Kaya naman positive ang feedback mula sa viewers ng bagong drama anthology: “That was a great first episode. Light lang pero established na yung character traits nina Gio (Alden) at Lea (Jasmine).
Ngayong gabi ay magtatapos na ang week-long episode ng Love On The Balcony at ang pinakahihintay ng mga viewers ay ang acting ni Alden, na matagal na nilang hindi nakikitang nagdadrama sa isang proyekto, patatawarin ba niya ang kasalanan ng inang iniwanan siya bata pa siya. Ang sama ng loob ni Gio ay dinala niya hanggang sa nagkita silang muli, sa pamamagitan ni Lea.
Mapapanood ang finale episode tonight, 9:15PM, pagkatapoas ng Encantadia sa GMA-7.
-NORA V CALDERON