Patay na nang matagpuan ng militar ang isa sa mga Indonesian na dinukot ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa karagatan ng Malaysia noong Enero.

Sa report ng Western Mindanao Command (WestMinCom), nakita ng mga sundalo ang bangkay ng Indonesian kidnap victim habang nagsasagawa sila ng clearing operation sa pinangyarihan ng sagupaan sa Bgy. Maligaya, Patikul, Sulu nitong Martes.

Sinabi ni Westmincom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr. nakatakas ang kidnap victim mula sa kanyang mga kidnapper gayunman, pinagbabaril ito nasabing mga bandido.

Kinikilala pa ng militar ang biktima.

ICC, pinahintulutang lumiban si FPRRD sa pagdinig ng confirmation of charges

Patuloy naman ang pagtugis ng 45th Infantry Battalion sa nasabing grupo.

Ayon naman kay Joint Task Force Sulu commander MGen. William Gonzales, kinumpirma ng kanilang intelligence officer na ang narekober na bangkay ay isang Indonesian base sa kanyang facial recognition.

Aniya, ang nasabing biktima ay kabilang sa limang Indonesian na dinukot ng ASG sa baybayin ng Malaysia walong buwan na ang nakararaan.

-FER TABOY