BINARA ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang mosyon na ipagpaliban ang halalan sa Nobyembre 27 bunsod ng umiiral na Covid-19 pandemic.
Itinutulak ni dating POC chairman Monico Puentebella ang pagpapaliban ng election dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa at malamang marami ang hindi makadalo sa halalan, higit yaong mga nakabase sa Visayas at Mindanao.
“Ang bagay na ito ay nai-refer na sa POC executive board,’’ ayon kay POC president at Cavite Rep. Abraham “Bambol’’ Tolentino.
Ayon kay Puentebella, nakausap niya ang may 50 puno ng National Sports Associations (NSAs) nitong Miyerkules at sinabing may mga federation heads na naka-base sa Visayas at Mindanao, ang maaaring mahirapan sa pagdalo dahil sa kakulangan ng biyahe patungong Maynila.
Inaasahang aayusin kaagad ng 3-miyembro ng election committee na nilikha ng Olympic body, ang isyu tungkol sa postponement. Iginiit ini Tolentino na ang mosyon ay out or order dahil hindi ito kasama sa agenda. Bahala umano ang POC executive board na tumalakay at lumutas sa isyu.
Bert de Guzman