HULI man ang magaling, huli pa rin.
Ito ang kinahantungan ng coaching career ni Aldin Ayo sa Universities Athletics Association of the Philippines (UAAP).
Halos isang buwan matapos maibaba ang desisyon ng UAAP Board na nagpapataw ng ‘indefinite banned’ sa kontrobersyal na coach ng University of Santo Tomas (UST), kinatigan ni Sorsogong Governor at dating Senator Chiz Escudero ang ulat ng Sorsogon City Philippine National Police na nagsasabing walang nilabag na panuntunan si Ayo na protocol ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Abswelto sa anumang pananagutan si Ayo sa imbestigasyon ng kanyang mga kababayan, ngunit, hindi malinaw kung matutulungan nito ang anumang apela na planong gawin ni Ayo sa naging desisyon ng UAAP.
Nagbitiw na rin si Ayo bilang coach ng UST Goldern Tigers, ilang araw bago ang desisyon ng UAAP Board.
Nakasaad sa nasabing ulat ng Sorsogon PNP na nanatili sa tahanan ni Ayo ang mga manlalaro ng Tigers at nagkaroon ng farm training sa kanilang babuyan at bukirin sa Brgy. Capuy, West District, Sorsogon City.
Sinasabi din doon na lahat ng ginawa ni Ayo mula sa pagpapapunta ng mga manlalaro sa Bicol hanggang sa naging araw-araw na gawain ng mga ito habang nasa kaniyang pangangalaga ay naaayon sa health protocols at guidelines na itinakda ng IATF.
Tungkol naman sa training, wala umanong isinagawang surpervised workouts o basketball activities ang mga manlalaro ng Tigers sa Sorsogon.
“[B]ased on the Sorsogon City Police Station Memorandum dated September 23, 2020 (Annex A) the Office of the Governor is in consonance with said Memorandum’s findings considering that there is a clear exhibition of legitimate activities undertaken by former UST head coach Aldin V. Ayo; that the actions performed by former Coach Aldin Ayo is in accordance with the health protocol and guidelines as per existing Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease and that there was no UST sanctioned team basketball training conducted in the domicile of Mr. Aldin V. Ayo or was there any prohibited basketball activities conducted by his guests outside of his residence within the jurisdiction of the province of Sorsogon, and that Mr. Aldin V. Ayo is not liable for violation of any health protocol pursuant EID-IATF guidelines and local executive orders in the Province of Sorsogon,” ayon sa naturang report.
-Marivic Awitan